UPDATE: 5 patay sa lumubog na fast craft

UMABOT na sa limang katao ang nakumpirmang patay sa lumubog na fast craft sa Quezon.

Ayon kay PCG Spokesperson Armand Balilo, nakuha ng rescue team ang bangkay sa bahagi ng nilubugan ng motor vessel na MV Mercraft 3 sa karagatan ng Quezon at Polilo Island kung saan nasa 252 na pasahero ang nasagip.

Habang may tatlo pa ang patuloy na pinaghahanap.

Ayon kay Raniel Penaverde, 24, isa sa mga nakaligtas na pasahero, malalaking alon ang kanilang nasagupa at isang matigas na bagay ang nasagasaan ng barko kaya’t nabutas ang bahaging harapan at duon pumasok ang tubig at unti-unti nang lumubog.

Dagdag ni Penaverde, mahigit dalawang oras bago sila nasagip ng dumaraang motor bangka kaya siya nakaligtas at ang iba nitong mga kasama ay nasagip sa magkakahiwalay na lugar. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply