Vic Sotto, na-miss sumakay sa float at kumaway sa fans!

BAKASYON-GRANDE si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla at girlfriend niyang si Jodi Sta. Maria sa Turkey. Umalis sila nu’ng Christmas day at babalik din bago mag-New Year.

Last year sa Iceland nagbakasyon sina Jolo at Jodi. That time, kasama ni Jodi ang kanyang anak na si Thirdy. But this year, join si Thirdy sa kanyang daddy Pampi Lacson.

Habang ang 12-year old na anak naman ni Jolo ay iniwan muna niya sa kanyang ina na si Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla. Hindi naman na alagain si Gab dahil malaki na siya. Ang tangkad ni Gab for a 12 year-old boy, huh!

Ayon kay Jolo, si Jodi raw ang namimili ng mga bansang pinupuntahan nila. Mas type raw ni Jodi na pasyalan ang mga bansa na hindi masyadong puntahan ng mga turistang gaya nila.

“Basta ako, yes lang palagi sa ‘boss’ ko,” sabay ngiti ni Jolo nu’ng makausap namin sa Revilla mansion sa Imus, Cavite last Christmas eve.

Hindi naman naitago ni VG Jolo ang sobrang kasiyahan nu’ng nakasama nila si Sen. Bong kahit ilang oras lang sa kanilang bahay noong Bisperas ng Pasko.

Kung nasa loob pa raw ng PNP Custodial Center ang kanilang ama ay masaya rin naman sila. What more daw na nakasama na ulit nila si Sen. Bong sa annual get-together dinner headed of course ng Bautista patriarch na si ex-Senator Ramon Revilla.

It seems magiging visible na ulit si VG Jolo sa showbiz. Plantsado na ang detalye sa pelikulang gagawin niya kasama ang mga kapatid na sina Brian at Luigi.

Trilogy ang movie ng Revilla brothers at iba-iba rin ang mga director. Si Dondon Santos ang magdi-direk ng movie ni Jolo. Hindi pa kumpirmado kung sinu-sino ang makakasama nila sa movie.

Pero mas bongga kung si Jodi ang makuha nila bilang leading lady ni Jolo sa movie, ‘di ba?

On Jodi’s part, tuluy-tuloy pala ang pag-aaral niya to pursue her dream of becoming a doctor. Second year pre-med student si Jodi sa Southville International School and Colleges sa kursong BS Psychology.

—oooOooo—

Gaya ng inaasahan, isa ang pelikula ni Vic Sotto na “Meant To Beh” ang pinilahan ng mga manonood sa sinehan noong araw ng Kapaskuhan.

For sure, na-miss ng mga fans na mapanood si Bossing sa Metro Manila Film Festival. Kunsabagay, mismong si Bossing ay inamin na na-miss din niya ang kanyang fans last December.

When we asked him kung ano’ng meron at lagi siyang gumagawa ng pelikula para sa MMFF every year.

“Aba e, panata ko na ‘to,” mabilis na sagot ni Vic. “Kaya nga last year, e, medyo nalungkot ako nang konti dahil hindi ako nakasakay ng float. Hindi ko nakasama sa parada. Pero okey lang, nirerespeto ko naman ang desisyon ng kahit sino.”

He really feels good raw na may movie ulit siya sa MMFF at makasasakay na ulot siya sa float.

“Yeees,” diin niya. “Sarap kaya. Ang daming tao. Tapos kumakaway ka. Tinatawag ka ‘di ba? Ang sarap ng pakiramdam ng ganu’n. Very fulfilling. Makikita mo ‘yung mga… tapos bati ka, ‘Hi, fans!”

Kwento ng kaibigan namin na nakapanood ng “Meant To Beh,” ibang Vic Sotto raw ang napanood niya. Seryoso at ma-drama. At baka manalo pa raw ng Best Actor si Vic sa awards night ng MMFF, huh!

“Best Actor? Hindi ko alam. Hindi ko iniisip ‘yun. Basta kung ano ‘yung role na binigay sa akin, dyologs. Ang suot, e, print on print. Medyas printed kung mapupuna mo. Pati sapatos printed. ‘Yung watch niya kulay dilaw,” kwento pa ni Vic. SWAK NA SWAK/JULIE BONIFACIO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply