War on drugs ni Duterte, dinepensahan ng Kamara sa Russia

DINEPENSAHAN ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas ang kampanya laban sa droga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa katatapos na international conference ng Parliamentarians Against Drugs sa Moscow, Russia.

Ito’y kaugnay sa pagtatanong ni Russian legislator Vladimir Zhirinovsky sa umano’y kautusan ni Pangulong Duterte sa mga pulis na barilin ang mga druglord.

“Let me assure Mr. Zhirinovsky tha President Duterte has not issued any order to the police authorities to shoot unarmed drug personalities but only for the police to stand its ground when under attack or threat by an armed drug suspect, which is the generally accepted rules of engagement in any civilized society,” ani Fariñas.

Binanggit din ng kongresista ang paghahain ni Magdalo Rep. Gary Alejano ng impeachment laban sa pangulo dahil sa diumano’y mga utos ng pagpatay.

Aniya, ang impeachment complaint na inihain ni Alejano na kabilang sa oposisyon sa Kamara ay nadismis matapos ang pagbasura dito ng mayorya ng mga kongresista mula sa kabuuang 293 na mga mambabatas dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.

Batay aniya sa pagbusisi ng mga kongresistang kabilang sa House Committee on Justice, ang mga reklamo ay pawing “hearsay” o sabi-sabi at ang ilan ay kinopya sa mga internet news portal.

“President Duterte continues to enjoy not only the support of the political leaders of the Philippines but the entire Filipino nation.” MELIZA MALUNTAG

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply