112th FOUNDING ANNIVERSARY NG NAVOTAS

PINANGUNAHAN ng magkapatid na sina Navotas City Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang isinagawang Grand Parade kamakailan bilang pagtatapos ng higit isang linggong pagdiriwang ng ika-112th Founding Anniversary ng lungsod.
 
Ang programa ay may temang “Sama-sama tayo sa paglikha at pagsulong ng pag-unlad ng bawat pamilyang Navoteño.”
 
Hindi napigilan ang libu-libong mga Navoteño na sumaksi at nakiisa sa parada upang masilayan lamang sa personal ang kanilang iniidulong mga sikat na artistang kasamang pumarada kabilang si 2016 Miss International Kaylie Versoza na kasama ni Mayor Tiangco sa kanyang float habang si Sanya Lopez naman ng GMA-7 ang kasama ni Cong. Toby sa kanyang float na umikot sa buong lungsod.
 
Naunang binuksan ang pagdiriwang sa Pangisdaan Festival noong January 7 sa pamamagitan ng motorcade, pre-pagent Mutya ng Navotas 2018, boodle fight at Kalye Fiesta.
 
Marami pang mga aktibidad ang isinagawa kabilang ang Pamilya ng Navoteño Fun Day, awarding ng Top 20 Taxpayers (Business and Realty), 2nd Navotas Invitational Motor Show, coronation night ng Mutya ng Navotas at ang grand fireworks display.
 
Taun-taon ay pinaghahandaan ng pamahalaang lungsod ang naturang okasyon upang lubusang mabigyan ng kasiyahan ang mga residente at maipamalas na rin ang kanilang mga angking talento. 
 
‘Bahay Pag-asa’ ng lungsod
 
Maraming kabataan na sinasabing naliligaw ng kanilang landas at nasasangkot sa mga krimen ang maaring matulungan ng bagong tayong “Bahay- Pag-Asa” na kabilang sa mga pangunahing proyekto ng lokal na pamalahaan ng Navotas.
 
Kasabay ng pagdiriwang ng Navotas Day, isinagawa ang pagpapasinaya at ribbon-cutting ng Bahay Pag-Asa na matatagpuan sa Phase 2, Area 1 ng Barangay NBBS sa pangungun ni Mayor Tiangco.
 
Naging saksi dito ang mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod sa pamumuno ni Vice Mayor Clint Geronimo, Ms. Jennifer Sevilla, mga kawani ng Public Information office sa pangunguna ni Ms. Irish Cubillan, Liga ng mga Barangay president Coun. Ricky Gino-Gino at City Administrator Jon Cruz.
Sa talumpati ni Mayor Tiangco, sinabi nito sa mga kabataan naliligaw ang landas na kalimutan ang nakaraan at muling bumangon para sa kanilang maliwanag na kinabukasan at bukas ang lahat sa pagbabago pairalin lamang ang kabutihang asal, disiplina at paniniwala sa Panginoon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply