12-anyos ginawang sex slave ng ama

 

HUMIHIMAS ngayon ng rehas na bakal ang isang tricycle driver matapos gawing sex slave ang kanyang 12-anyos na anak ng tatlong taon sa kanilang tahanan sa Barangay Tandang Sora, Quezon City.

Ang suspek ay si Tomas Sanny, 52, driver ng Bgy. Tandang Sora, QC.

Dinakip ang suspek ng mga pulis matapos ipagharap ng reklamo ng complainant na itinago sa Michelle, 12 anyos.

Ayon sa reklamo, una siyang pinagsamantalahan ang biktima noong siya ay grade 4 student pa lamang noong 2016 matapos maghiwalay ang kanyang ama at ina at naiwan sila sa pag-aalaga ng kanilang ama.

Idinagdag pa ng biktima na nasundan pa ang panghahalay sa kanya ng sariling ama nitong Disyembre 16, 2017 at nitong nakalipas na Enero 20, 2018.

Nabisto lamang ang ginawang panghahalay sa biktima ng kanyang ama matapos humingi ito ng tulong sa kanyang kaibigan na humingi naman ng tulong sa Barangay Official ng Bgy. Tandang Sora.

Sinampahan ng kasong rape at paglabag sa RA 7610 ang suspek. SANTI CELARIO

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply