14th straight road wins ng GSW, naitala vs Bulls

NAPANTAYAN na ng Golden State Warriors ang kanilang franchise record na 14th straight road wins matapos na padapain ang Chicago Bulls, 119-112.

Nagsama-sama ng puwersa sina Klay Thompson na may 38 points, Stephen Curry na nagdagdag ng 30 at Kevin Durant na nagtapos sa 19 points para pumantay din sila sa third-longest road winning streak sa isang season sa kasaysayan ng National Basketball Association (NBA).

Batay sa record, hawak ng Los Angeles Lakers (37-9) ang 16 straight road wins na kanilang ipinoste noon pang 1971-1972 season.

Ang panibagong panalo ng Warriors ay sa kabila na hindi pa paglalaro nina Draymond Green at Andre Iguodala dahil sa injuries.

Habang si Jordan Bell naman ay nagkaroon ng sprain left ankle sa kasagsagan ng game.

Sa panig naman ng Bulls, nabalewala ang kanyang 24 points habang nabaon sila sa 14-8 mula sa 3-20 sa pagsisimula ng torneyo.

Kaugnay nito, kaabang-abang naman ang sunod na misyon ng NBA-leading team na Warriors dahil may showdown sila ng Rockets sa Linggo. BOBBY TICZON

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply