17 provinces signal no. 1 kay Agaton

GANAP nang naging bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa silangan ng Mindanao.

Binigyan ito ng local name na Agaton, na kauna-unahang sama ng panahon para sa taong 2018.

Huling namataan ang sentro nito sa layong 175 km silangan hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

May taglay itong lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 60 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pakanluran sa bilis na 19 kph.

Nakataas ang signal no. 1 sa Southern Leyte, Surigao del Norte, kasama na ang Siargao Island, Surigao del Sur, Dinagat Island, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao del Norte, Davao del Sur, North Cotabato, Compostela Valley, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Camiguin at Bukidnon. BOBBY TICZON

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply