19 Russian prostitute, 2 Korean arestado sa Pampanga

ARESTADO ng Bureau of Immigration (BI) ang 19 babaeng Russian na mga prostitute at walang kaukulang mga employment visa sa isang nightclub sa Pampanga.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, dalawa pang Korean ang pinaniniwalang recruiter at employer ng nasabing mga prostitute ang naaresto sa isinagawang operasyon ng BI sa Angeles City.

Nakilala ang mga ito na sina Jeong Seonghun, 30, at Lee Kyurak, 30, bilang kahera ng club at manager .

Sila rin ang tumulong sa mga Russian na makapasok sa bansa.

Dagdag pa ni Morente na nahuli ang mga babaeng Russian na nagtatrabaho bilang guest relations officers (GROs) sa loob ng Club Angel sa Clark Field, Angeles City.

Sinabi naman ni BI intelligence officer Jude Hinolan na nanguna sa operasyon na ang dalawang Korean ay kapwa overstaying aliens.

Dumating din sa bansa ang 19 Russian bilang turista at ang siyam sa kanila ay overstaying na rin sa bansa.

Paliwanag ni Morente, mahigpit na ipinagbabawal ng Philipinne immigration na gumawa ng aktibidad nang walang work permits at visa.

Dinala na sa BI detencion facility sa Camp Bagong Diwa ang 21 dayuhan habang inihahanda ang pagpapatalsik sa kanila pabalik sa kani-kanilang bansa. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply