2 bebot, timbog sa buy-bust ops sa QC

NADAKIP ng mga awtoridad ang dalawang babae matapos ang isinagawang anti-illegal drug operations sa bayan ng Lucban sa lalawigan ng Quezon.

Kinilala ang mga suspek na sina Yolanda Alipio, 42, isang overseas Filipino worker (OFW), at Flordelyn Rana, 36.

Nasakote ang dalawang suspek sa isinagawang operasyon sa Brgy. Palola sa naturang bayan.

Nakumpiska sa mga ito ang limang sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na aabot umano sa 1.6 grams ang timbang at mga drug paraphernalia.

Sa ngayon, nananatili na sa kustodiya ng mga awtoridad ang dalawang suspek habang hinahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login