2 biktima ng summary execution, tumambad sa Pasay

DALAWANG hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa gilid ng C-5 Extn. na sakop ng Pasay City.

Nakapiring ang mga mata, nakatali ang mga kamay, at nakabalot ng packaging tape ang mga bibig ng isang lalaki at isang babaeng biktima.

Ayon sa mga tanod ng Brgy. 201, nakarinig sila ng pitong magkakasunod-sunod na putok ng baril bago nila natagpuan ang mga bangkay.

Sinasabing isang motorcycle rider ang tumigil sa gilid ng kalsada upang magpahinga at nakadiskubre sa mga bangkay na una niyang inakalang kumpol-kumpol lamang ng basura.

Nakuha sa crime scene ang 9 na basyo ng bala mula sa caliber .45 at dalawa mula sa 9mm na baril.

Inaalam pa sa ngayon ang pagkakakilanlan ng mga biktima. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply