2 tepok, 4 sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Iligan City

PATAY ang dalawang katao at sugatan ang apat na iba pa makaraang magkarambola ang apat na sasakyan sa Iligan City.

Sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan, binangga ng isang pampasaherong bus ang isang tricycle, isa pang makeshift tricycle na kung tawagin sa lungsod ay kolong-kolong at isang motorsiklo sa national highway sakop ng Barangay San Andres.

Ayon kay Iligan City police chief, Supt. Ariel Quilang, agad namatay ang driver ng tricycle na si Nerwyn Maniel, 23 at ang sakay ng kolong-kolong na si Dexter Lana, 26.

Sugatan naman sina David Lana, driver ng kolong-kolong at si Anthony Ramos na rider ng motorsiklo at dalawang hindi pa nakilalang indibidwal.

Dinala sa Faustino Dy Sr., Memorial Hospital ang mga nasugatan sa aksidente.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang driver ng Dalin bus. JOHNNY ARASGA

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply