2 tigbak sa motorsiklo

BATAC CITY – Sa araw ng Bagong Taon (January 1), dalawang lalaki ang patay matapos bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Brgy. Colo sa nasabing lungsod.

Kinilala ng Batac City police ang mga biktimang sina Regie “Boy” Dalan, 18, at Cipriano Calapao, kapwa ng nasabing barangay.

sa report, kapwa nakainom ang mga biktima habang binabaybay ang kahabaan ng Brgy. Colo nang bigla itong mawalan ng kontrol at bumangga sa isang concrete barrier.

Tumilapon ang dalawang biktima ilang metro mula sa pinangbanggaan nito at nagtamo ng mga bali sa katawan at nabasag ang mga bungo.

Naisugod pa sa ospital ang mga biktima ngunit hindi na rin ito umabot nang buhay. ALLAN BERGONIA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply