3 patay sa buy-bust

TATLO ang patay nang manlaban sa pulisya sa isinagawang buy bust operation sa North Harbor, Tondo,Maynila.

Kinilala ang mga namatay na sina John Rey Mascarado, Arnel Torres at Ryan Paglinawan.

Alas 11:25 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Aduana Bussiness Club sa may Pier 2 North Harbor.

Nabatid na ikinasa ng mga tauhan ng MPD-Station 2 ang buy bust operation matapos ibalik ang Oplan Tokhang.

Nasamsam naman ang isang kalibre 45 na may silencer, dalawang kalibre .38 , isang sumpak at isang granada.

Nakumpiska rin mula sa mga suspek ang 10 sachet ng shabu at marked money na P500 .

Dinala sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang mga suspek ngunit idineklarang DOA. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply