48 bagong bagon ng MRT, tinanggihan muna ng DOTr

TINANGGIHAN muna ng Department of Transportation (DOTr) ang 48 bagong bagon mula sa kumpanya sa China na gagamitin sana para sa MRT-3.

Gayunman, hindi muna tatanggapin ng DOTr ang mga ito hangga’t hindi nila natatapos ang independent audit assessment sa mga ito.

Layon ng kanilang pasisiyasat na alamin kung ligtas ang mga bagong bagon at kung compatible ang mga ito sa sistema ng MRT-3.

Ang mga nasabing dumating na bagon ay ang P3.8-bilyong halaga na nauna nang binili sa ilalim ng panunungkulan ni dating Transport Sec. Jun Abaya para sa MRT-3.

Samantala, ayaw na munang magkomento ni Batan sa posibleng kalabasan ng audit assessment.

Binigyan aniya nila ng buong kalayaan at kasarinlan ang kanilang independent audit consultant sa pagsisiyasat sa mga bagon kaya hindi sila mangingialam sa assessment ng mga ito.

Magdedesisyon aniya ang DOTr base sa magiging rekomendasyon ng mga audit team.

Bukas naman ang DOTr na ibalik ang mga tren at mayroon na rin silang plano sakaling kailangan pa ng mga pagbabago sa mga bagon o talagang hindi katanggap-tanggap ang mga ito. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply