500 sundalo ipapakalat sa Black Nazarene feast

BUKOD sa kapulisan, magpapakalat din ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng 500 sundalo para bigyan ng seguridad ang Feast of Black Nazarene sa Quiapo sa Enero 9.

Sinabi ni Brigadier General Allan Arrojado, Joint Task Force National Capital Region commander, hindi pa sila naka-red alert dahil wala pa silang natatanggap na banta laban sa Black Nazarene feast.

Ang tradisyusnal na 1 day-long Black Nazarene procession o Traslacion sa palibot ng Manila ang magbibigay ng ningning sa pista ng itim na imahe ni Jesus.

Samantala, hindi naman sinabi ni Arrojado kung saan mga lugar ipakakalat ang nasabing bilang ng mga sundalo.

“Hindi muna namin sabihin [kung kailan], basta makita n’yo kung saan ang mga Armed Forces naka-deploy,” pahayag nito sa mga reporter matapos ang kanyang assumption of office.

Magpapakalat din ang Philippine National Police (PNP) ng mahigit sa 5,000 policemen para bigyan ng seguridad ang annual religious event. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply