9 OFWs na na-deport mula Riyadh, sinaklolohan ni Pacquiao

SIYAM na Overseas Filipino Workers (OFWs) na na-deport mulang Riyadh, Saudi Arabia ang sinaklolohan ni Senador Manny Pacquiao noong Biyernes sa isang simpleng seremonya sa pamamagitan ng pagbibigay ng puhunan sa negosyo.

Sa pahayag, sinabi ni Pacquiao na siyam na OFWs ang pinauwi ng kani-kanilang amo sa naturang bansa sa hindi malaman na kadahilanan na dumating sa bansa nitong Biyernes.

“Sinabi nila na pinaalis sila sa kanilang trabaho na kani-kanilang employer nang walang mahusay na kadahilanan,” ayon kay Pacquiao.

Kabilang sa na-deport na OFWs sina Sumaya Macaoyag, 41; Novena Vadil, 43; Jocelyn Javier, 32; Gilbert Bongato, 53; Renen Casas, 38; Roynald Mesde, 33; Marlon Sarmiento, 39; Ronnie Malones, 35; at Darwin Franco, 37.

Ayon sa mga OFW, pinondohan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kanilang plane tickets mula Riyadh patungo sa Maynila.

Pagdating sa NAIA, dnala naman sila ng isang concerned citizen sa Araneta Coliseum nitong Biyernes upang ilapit kay Pacquiao na kasalukuyang naglulunsad ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) doon.

Pagkatapos na maikling seremonya ng MPBL, sumama si Pacquiao sa mga OFWs sa isang simpleng hapunan at binigyan din sila ng libreng tiket upang makapanood ng MPBL opening game.

“Sinabi ko sa kanila na hindi sila dapat mawalan ng pag-asa sa halip, magsumikap upang malampasan nila ang kasalukuyang pangyayari sa buhay ila. Hindi pa katapusan ng mundo. Siguro, may ibang plano ang Panginoon para sa kanila,” ayon kay Pacquaio.

Nagbigay din ang mambabatas mulang Mindanao ng tig-P50,000 cash sa bawat isang bilang tulong pinansiyal sa kanilang pamilya.

“With that amount, they can start a small business. Konting tulong pero malayo ang mararating kung ma-manage ng maayos yong pera,” ayon sa mambabatas.

Nagpasalamat naman si Macaoyag, residente ng Esperanza town sa Sultan Kudarat province, kay Pacquiao sa ibinigay nitong tulong pinansiyal.

“Napakabait at napakamatulungin niya. Malaking tulong sa aming mga OFW ang ibinigay niyang pera,” ayon kay Macaoyag. ERNIE REYES

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply