Amir Khan target si Pacquiao 

TINATARGET pa rin na makalaban ni British boxer Amir Khan si Filipino boxing champion Manny Pacquiao.

Sinabi ni Khan na bago pa lamang siya magretiro ay dapat makalaban niya ang mga malalaking pangalan sa boxing gaya nina Pacquiao, Floyd Mayweather at Jeff Horn.

Sa katunayan, ilang ulit na inihayag nito na nais niyang makalaban si Pacquiao sa kahit na anong hatiin sa boxing purse.

Pero sa hindi malamang dahilan ay palaging hindi natutuloy at nababaon sa limot ang inaasahan na laban.

Magugunitang naging bahagi sa training camp ni Pacquiao si Khan hanggang sa nagkaroon sila ng alitan at ito ay lumipat noong 2012.

Mayroong record si Khan na 31 panalo, 4 na talo at 19 knockouts habang si Pacquaio ay mayroong 59 panalo, 7 talo at 38 knockouts. BOBBY TICZON 

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply