Ang JaDine Ang Unprofessional, Bakit Si Direk Antoinette Jadaone Ang Tinitira?

OBYUS na dahil sa sobrang pagmamahal at nahuhumaling pa yata sa live-in partner na si James Reid ay kayang gawin ni Nadine Lustre ang lahat upang mapagtakpan at maipagtanggol ang dyowang actor singer sa mga basher nito.

Imagine porke’t, nasa hot water ngayon si James na paulit-ulit na bina-bash sa hindi pagsipot sa shooting ng movie nila ni Nadine sa Viva Films dahil raw sa sobrang kalasi-ngan.

Agad na naglabas ng kanyang ex-ray result itong si Nadine sa kanyang Instagram account na mayroon siyang severe back pain, fever at diaheria na naging rason raw kaya hindi na niya magawang mag-shoot.

Eh, siya lang pala ang maysakit, bakit si James ay hindi rin
nagpakita sa set?

Saka bakit ang tinitira niyo ay si Direk Antoinette na kesyo makitid raw ang utak samantalang ginagampanan lang naman nito ang kanyang trabaho bilang director ng JaDine movie na sabi ay may schedule playdate na sa Feb. 14.

Hindi ba dapat ang hambulisin at sisihin sa isyung ito ay sina James at Nadine na mukhang tinatamad nang magtrabaho kaya nagiging unprofessional?

Mabuti nga at nabigyan pa sila ng second chance sa kanilang career na muntik-muntikan ng mapunta sa kangkungan. Ang dapat gawin ng dalawang ito ay mag-seminar sila sa KathNiel at LizQuen love teams.

* * *

Bukod sa horror movies na expertise ng Regal Entertainment ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde ay kilala rin ang kanilang movie outfit sa paggawa ng pelikula tungkol sa ina at anak na handog nila ngayong mothers day sa lahat ng mga nanay.

At ngayong 2018 ay isang maganda at kwelang inspirational drama na “Mama’s Girl” ang handog ng Regal na pinagbibidahan nina Sylvia Sanchez at Sofia Andres na dinirehe ni Connie Macatuno.

At bentang-benta agad ang lahat ng mga eksena nina Sylvia at Sofia na pinalakpakan sa red carpet premiere nila noong Lunes na sa Trinoma Cinema.

Bumabagets rin sa movie si Sylvia na sa edad na more than 40 ay bata pa rin itong tingnan dito sa Mama Girls kaya nang tanungin ang actress sa kanilang grand presscon kung ano ang pagkakaiba ng karakter na ginampanan niya noon sa The Greatest Love at umeere sa kasalukuyang “Hanggang Saan” ay malinaw ang kanyang naging explanation dito.

“Loud ako rito eh, at saka sexy. Lumelevel-up, eh. Pero strong mom siya. Na no matter what, kahit saan siya magpunta, hindi niya iiwan ang anak niya.”

Para naman kay Sofia na first time makatrabaho ang Kapamilya actress, sobrang overwhelmed siya lalo’t isang award-winning actress si Sylvia na nanay nga niya sa Mama’s Girl.

“Noong una, intimadated po ako. But sobrang bait niya kaya naging comfortable agad ako sa kanya. Para siya talagang nanay sa set na very caring sa akin at sa iba pang co-stars namin. Naging very close kami at isinama pa niya ako when she and family went on a trip to Singapore. We’re both excited to share this wonderful heartwarming film about the relationship between a mother and a daughter. If you feel that everything is falling apart and when everyone else leaves, it will show that our mother remains to support us always,” papuri pa nito sa movie at kay Sylvia.

Samantala flattered naman si Sylvia nang tawagin siyang “Meryl Streep of the Philippines” ni Ma’am Roselle.

At may karapatan siya sa title na ito dahil kahit medyo may edad na ay mas sumikat at may fans club pa at mga product endorsement.

Sa kanyang comment sa FB, ay pinuri naman ni Direk Chito Rono ang Mama’s Girl, na exciting movie raw at kanyang panonoorin at malaking bunos pa na graded A ito ng Cinema Evalution Board (CEB).

Kasama rin sa cast sina Diego Loyzaga, Jameson Blake, Alyana Asistio, Karen Reyes, Heaven Peralejo, Alora Sasam at marami pang iba.

Ang nasabing film ay opening salvo ngayong 2018 ng Regal Entertainment na showing na in cinemas nationwide at tinatangkilik ng moviegoers. WALANG KIYEME / Peter S. Ledesma 

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply