Atong Ang binalaan ni Pangulong Digong

BINALAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si gambling kingpin Charlie “Atong” Ang na huwag ipilit na magtayo ng Jai-Alai sa Davao kundi ay mag-aaway sila.

“Sabi ko sa kanya, “Kaibigan tayo. Huwag mong pilitin ‘yan. Mag-aaway lang tayo. Ayokong makipag-ano sa’yo pero kung pilitin ‘yan na Jai Alai sa Davao talagang magka…” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang departure statement sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bago pa siya tumulak patungong New Delhi, India para dumalo sa ASEAN-INDIA Commemorative Summit at Republic Day Celebration sa India.

Bukod dito, umamin ang Pangulo na tinawagan niya si Atong Ang para ipahinto rito ang lahat ng kanyang illegal na pasugalan, pumunta ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at makipagtulungan sa gobyerno.

Ito lamang aniya ang dahilan kung bakit tinawagan niya si Atong Ang ilang taon na ang nakalilipas. KRIS JOSE

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply