Bahay ng mag-asawang Clinton sa New York, nasunog

ITINUPOK ng apoy ang bahay ni dating US President Bill Clinton at presidential candidate Hillary Clinton sa Chappaqua, New York.

Sa ngayon ay inaalam pa kung ano ang sanhi ng pagkasunog.

Naiulat ang sunog bandang alas-12:50 ng hapon na pinaniniwalaang nagsimula sa isang kuwarto ng bahay na nasa Number 15 Old House Lane.

Wala namang napaulat na nasaktan sa pangyayari at hindi pa tiyak kung nasa loob ng bahay ang mag-asawang Clinton.

Mabilis namang naapula ang sunog kasunod ng maagap na pagresponde ng New York Fire Department.

Ang bahay na mayroong limang kuwarto ay binili ng mag-asawang Clinton noong 1999 sa halagang $1.7-million. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply