BAKIT WALA ANG CHR SA DENGVAXIA CASE?

UMABOT na sa 15 pagkamatay ng mga bata ang isinisisi sa pagkakabakuna ng Dengvaxia na kuwestiyunableng binili ng Noynoy Aquino administration mula sa French pharmaceutical company, ang Sanofi Pasteur sa halagang P3.5-billion.

Nasaan ang dilawang Commission on Human Rights (CHR) sa isyung ito?

Nag-iimbestiga rin ba ng mga bakla riyan sa CHR?

Nabulgar na si Noynoy pa mismo ang kumatawan sa pamahalaan sa “pakikipag-deal” sa pagbili ng diumano’y overpriced na Dengvaxia, kakutsaba ang dating kalihim ng Department of Health (DOH) na si Janet Garin.

Malinaw pa sa sikat ng araw na “railroaded” at minadali ang paglalabas ng pondo para bayaran ang anti-dengue vaccine na peligro pala na gamitin sa mga batang wala o hindi pa nagkaka-dengue.

Hindi lamang kapal-muks ang mga ito kundi petmalu pa!

‘Di nila inalintana ang kapakanan ng mga inosenteng bata.

Sa halip na iligtas sa dengue ang mga bata, inilagay sa panganib o kamatayan ang kanilang kalusugan kaya marami na ang nangamatay dahil sa komplikasyon mula sa Dengvaxia.

Dapat na managot si Noynoy, Garin, gayon din si Florencio “Butch” Abad, ang money-bag ng inutil na dating Pangulo.

Hindi sapat na ngingisi-ngisi at tulo-laway na ikakaila lamang ng ungas na ito ang kanyang pananagutan sa trahedyang ito.

Dapat mabilis na kumilos ang Department of Justice (DOJ) sa paghahanda ng reklamo laban sa mga demonyong mandarambong na ito na animo’y mga bampirang sumipsip sa buhay ng mga biktima.

Nasaan ang mga dilawang bakla sa CHR sa madugong usapin na ito?

Sumisigaw ng hustisya ang mga biktima ng mga walanghiyang demonyo. DEADSHOT/ERWIN TULFO

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply