BREAKING NEWS: CON-AS aprubado na sa Kamara

PASADO na ang House Resolution 9 na may layuning mag-convene ang Kongreso bilang Constituent Assembly na babalangkas sa Federal Charter.

Nabigo ang Makabayan Bloc na harangin ang botohan sa pamamagitan ng panibagong interpelasyon ngunit hindi na ito pinagbigyan.

Tinangka pa ni Caloocan Rep.Edgar Erice na kwestyunin ang korum ngunit sa huli ay naideklara pa ring mayorya ng mga kongresista ay nasa plenaryo.

Unang roll call ay 222 ang present sa plenaryo at sa ikalawang roll call ay 186.

Sa pamamagitan ng viva voce o pagsigaw ng “ayes and nays” ay nanaig ang mayorya.

Target ng mga mambabatas ang Pebrero o Marso upang makabuo ang ConAs ng pinal na mga amiyenda sa Saligang Batas at makabuo ng charter para sa Federalism.

Kung matutuloy ang barangay election sa Mayo 2018 ay isasabay na dito ang plebesito.

Ang ConAs ang pinili ng mga kongresista na pamamaraan sa pagpapalit ng saligang batas upang makatipid ang gobyerno dahil ang mga kongresista at senador na ang bubuo ng Constituent Assembly. MELIZA MALUNTAG

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply