Bulkang Mayon nagbuga pa ng abo

MULING nagbuga ng abo ang bulkang Mayon kaninang umaga.

Mataas ang inabot ng ash column na inilabas ng bulkan alas 8:50 ng umaga.

Makapal na maputi-puting usok ang lumabas sa bunganga ng bulkang Mayon.

Patuloy ang paalala ng provincial government ng Albay sa mga residente na huwag nang lumabas at gumamit ng face masks o basang tela pantakip sa kanilang ilong.

Pinalawig na rin sa hanggang 9-kilometer ang danger zone sa palibot ng bulkan. JOHNNY ARASGA

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply