Bulls nanuwag

BIGLANG nanuwag ang Chicago Bulls at tinapos ang 7-game winning streak ng Miami Heat, 119-111.

Susi sa panalo ang pagpakawala ng 25 points ni Justin Holiday habang nagdagdag naman ng 18 points sina Zach LaVine at Nikola Mirotic para sa Bulls.

Sa kampo naman ng Miami, tila nawalan ng saysay ang 22 points ni Goran Dragic, gayundin ang 21 ni Kelly Olynyk.

“That was pretty disgusting basketball,” wika ni Heat coach Erik Spoelstra.

Sunod na tutunguhin ng Heat ang Milwaukee, habang makikipagbuno naman ang Bulls sa defending champion na Golden State Warriors.

Sa isa pang laro, sinamantala ng Memphis Grizzlies ang pagkawala nina Lonzo Ball at Brandon Ingram upang itala ang 123-114 panalo laban sa Los Angeles Lakers.

Namayani sa Grizzlies ang 19 points ni Dillon Books para tapusin ang four-game winning streak ng Los Angeles.

Nagtala rin ng double digits sina Marc Gasol (17 markers at seven rebounds), Tyreke Evans (15 points at 12 assists), gayundin sina Wayne Selden at James Ennis III sa kanilang tig-13 points para sa Memphis.

Wala namang nagawa ang 27 points ni Kentavious Caldwell-Pope, gayundin ang 18 ni Kyle Kuzma para sa Los Angeles.

Sa araw ng Huwebes, tutungo ng Oklahoma City ang Lakers, habang ang Grizzlies naman ay makakasagupa ang New York Knicks. BOBBY TICZON 

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply