Calamity funds ng Albay, puwede nang galawin – Malakanyang

MAAARI nang galawin ng lokal na pamahalaan ng Albay ang kanilang calamity funds para tugunan ang panganib na banta ng Bulkang Mayon makaraang ilabas na ang internal revenue allotment (IRA) ng lalawigan.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. na ipinalabas na ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Lunes, Enero 22 ang IRA ng Albay para sa buwan ng Enero.

Nangangahulugan lamang na ang lokal na pamahalaan sa nasabing lalawigan ay maaari nang gamitin o galawin ang kanilang contingency funds para sa disaster-response operations.

Ang bahagyang pagkabimbin sa pagpapalabas ng IRA ay ilan lamang sa concerns na sinabi ni Albay Governor Al Francis Bichara.

Sinabi ni Bichara na nagsimula na ang local government units (LGUs) na gamitin ang sarili nitong ipon para tugunan ang kalamidad habang hinihintay ng mga ito ang kanilang pondo mula sa DBM.

Tiniyak naman ni Sec. Roque kay Bichara na agad na kikilos ang national government para tugunan ang kanilang karaingan. Kaagad namang ipinarating ni Sec. Roque sa DBM at Presidential Management Staff (PMS) ang bagay na ito.

Sa ngayon, tinatayang 12,214 pamilya o 48,614 katao mula sa 39 barangays ang apektado ng kalamidad habang 7,455 pamilya o 28,846 katao naman ang kasalukuyang nasa temporary shelter sa 29 evacuation centers sa buong Albay. KRIS JOSE

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply