CHA-CHA: SAMBAYANAN ANG DAPAT MAGPASYA

BUKOD sa anila’y posibleng term extension ni Pangulong Duterte, pinangangambahan din ng mga kritiko o oposisyon kuno ang pagbuwag sa Office of the Vice President (OVP) ayon sa panukalang Charter change o Cha-cha.

Tiniyak muli ni Manong Digong na wala siyag balak na manatili sa poder ngunit patuloy ang pagngangawa ang mga dilawan na desperadong makabalik sa kapangyarihan.

Todo-panic, partikular na ang kampo ni VP Leni Robredo, makaraang masilip nila ang panukalang constitutional amendments ng PDP-Laban na “bubuwagin” na diumano ang OVP kung mararatipikahan ang Cha-Cha kasabay ng 2019 mid-term elections.

Mukhang hindi nila matanggap ang mga hakbangin tungo sa tunay na pagbabago kaya lahat na lang ng panukala na isulong ng mga alyado ng Pangulo ay sinasalungat nila.

Bakit hindi nila hayaan ang taumbayan ang magpasya ukol sa bagay na iyan? Marami namang nagsasabi na mula’t sapul ay walang-silbi ‘yang posisyon ng VP.

Maaari nilang tuligsain at ipahayag ang kanilang oposisyon sa anomang bahagi ng Cha-cha ngunit hayaan dapat nila na iprisinta ‘yan sa bayan na siyang boboto kung aprub o disaprub ‘yan sa kanila.

Ang hirap sa mga dilawan, nasanay silang minamaniobra ang lahat ng kalakaran sa pamahalaan para tugunin ang personal o pansarili nilang mga interes.

Mga suwapang!

Kalungkot-lungkot para sa kanila at hindi na ‘yan pinayagan ng sambayanan kaya nagkaroon tayo ng pagbabago ng administrasyon.

Bago na ang direksyon na tinatahak ng ating bayan at malinaw na aprub na aprub ‘yan sa nakararami. DEADSHOT/ERWIN TULFO

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply