Dapat raw kilalanin muna si Robin Padilla bago paratangan nang kung anu-ano!

SABEEE!

ni Troy Catan

PINAGTANGGOL ng singer-actcress na si Vina Morales, tungkol sa diumano’y pagiging ‘racist’ ni Robin Padilla sa isang Korean na kalahok sa “Pilipinas Got Talent” kung saan pinilit niya itong mag-Tagalog.

Ayon kay Vina na na-misinterpret lamang si Robin ng publiko nang pangaralan nito si Kim Jiwan, isa sa mga contestant ng Pilpinas Got Talent, Season 6.

Aniya: “Paano ko ba ma-describe si Robin sa isang word? Kasi napakabuting tao nito eh.

“Naiintriga nga ngayon eh kaya please tigilan na yan kasi he really has a good heart… He has a good heart, good soul; may puso ‘tong taong ‘to I really have a soft spot kay Robin and lahat ng mga nagmamahal sa kanya, naiintindihan ‘yung mga napagdadaanan niya nga-yon.”

Sabi pa ni Vina, suportado raw niya ang kanyang kaibigan at dating ka love team dahil mas higit niya itong kilala.

“Very straight forward siya pero hindi mo naman kailangan yung mga nagmamahal sa kanya hindi dapat dinidibdib ‘yon kasi kung may payo lang siyang ganoon, you know let’s take it in a constructive way ‘di ba?

“Para sa akin, dapat i-stop na (‘yung bashing) kasi may good intention naman ‘yon sa kanya bilang parang tatay katulad ng sinabi niya.

“Sa totoong lang point naman talaga si Robin sa puntong ‘yun kasi 10 years na siya rito dapat kahit paano marunong na siya magsalita ng Filipno words, pero marunong naman pala siya mag tagalog! Db, weird?” sabi niya sabay tawa.

* * *

WALA daw problema para sa aktres na si Judy Ann Santos na magkaroon ng sequel o karugtong ang longest-running soap opera sa Philippine TV na Mara Clara kung saan bumida at gumanap siya bilang Mara at gumanap naman bilang Clara ang matalik na kaibigang si Gladys Reyes.

Sa panayam kay Judy Ann sa pelikulang “Ang Dalawang Mrs. Reyes” kamakailan kasama ang aktres na si Angelica Panganiban, kung magka- katotoo man ang sequel, ibang Mara na raw ang makikita ng lahat. Tiyak na isa na itong inang handang ipagtanggol ang kanyang mga anak, at hindi na papayag na api-apihin pa.

Reunion project nila ni Gladys Reyes ang Ang Dalawang Mrs. Reyes dahil gumaganap itong isa sa mga kaibigan niya sa pelikulang nagbukas noong Enero 17, 2018 at mapapanood sa mga sinehan sa buong bansa.

Samanatala, sa isang episode naman ng morning show na Magandang Buhay, naging guests naman ng mga Momshies na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Judy Ann Santos ang dalawang original na bida na Mara at Clara.

Nagkaroon pa sila ng kaunting re-enactment sa isa sa mga naging eksena ng kanilang dating soap opera.

Sina Judy Ann at Gladys ay magkaibigan sa tunay na buhay na ngayon ay parehong masaya ang kanilang buhay sa kani-kanilang sariling pamilya.

* * *

INAMIN ng actor-singer na si Carlo Aquino na ‘Single’ na raw siya sa longtime girlfriend niya na si Kristine Nieto.

Inienjoy lang daw niya ang kanyang oras para sa sarili habang abala rin sa sunud-sunod niyang proyekto katulad ng pelikulang Meet Me In St. Gallen at Goyong: Ang Batang Heneral.

Gayunman, hindi maiiwasan ang tanong ng mga fans kung ano na nga ba ang kasunod ng pagtatapos nang relasyon nila ng longtime girlfriend na si kristine na kasama niyang bumuo ng anim na taon ng kanilang relasyon.

Kamusta naman ba ang buhay niya nagyon Single na muli siya?

“Okay naman medyo nagsisimula muli pero ganon talaga ang buhay!

“Wala, ayon, gano’n, hindi ako makapagsalita,” natatawang sagot ni Carlo.

Ang pelikula nila ni Bela Padilla ang “Meet Me In St. Gallen ” ay Velentines offering. Ano ang masasabi niya na parehas silang single ni Bela, tapos magkasama pa sila sa isang pelikula, tila sinadya ata ng tadhana?

“Nagkataon siguro parehas kami single kaya yun swak sa amin yun pelikula. Hahahaha!” sey pa niya.

Kamusta naman ka trabaho ang isang Bela Padilla?

“Mahusay siya, wala akong masasabi sa kanya. Very professional siyang actress at mabait,” deklara pa niya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply