DENR AT COMP, LUMAGDA SA BAGUIO DECLARATION!

TIWALA si kalihim Roy A Cimatu na tutuparin ng mga mining firms ang kanilang pangakong tutuldukan na ang iresponsableng gawi sa pagmimina na sumisira sa kapaligiran at lokal na komunidad.

Ipinahayag niya ito matapos lumagada ang 30 mining companies sa tinatawag na Baguio Declaration sa ginanap ang First ASEAN Mineral Awards sa bansa.

“Kami sa Department of Environment and Natural Resources ay umaasa sa pangako ng mga mining companies na susunod sila sa prinsipyo ng responsableng pagmimina na siyang itinataguyod din ni Pangulong Rodrigo Duterte,” pahayag ni Cimatu.

Ang Baguio Declaration ay mahalagang kasunduan sa pagitan ng DENR at ng Chamber of Mines of the Philippines (COMP) sa pagtataguyod ng responsableng pagmimina.

Bahagya aniyang natuwa si Cimatu sa mga miyembro ng malalaking mining groups sa kanilang pagkatig sa “better mineral development.”

“Kailangan pa natin makita kung ang mga kumpanyang ito ay tutupad sa kanilang pangako, ngunit ang kanilang desisyong lumagda sa Baguio declaration ay magandang pahiwatig ng kanilang pakikiisa sa responsableng pagmimina,” turan ni Cimatu.

Sumang-ayon ang COMP na unahin ang pagpapa-unlad sa buhay ng mga residente sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng hanap-buhay, habang isinasa-alang-alang ang kapakanan ng kalikasan.

Anila, susunod na sila sa mga hakbang ng mining operation, kabilang na nag mitigation, progressive rehabilitation, third-party monitoring at restoration of mined-out areas.

Nangako rin silang igagalang ang karapatan at kapakanan ng mga lumad sa pamamagitan ng pagpapaalam at at makatarungang pagbibigay ng kundisyon ukol sa proseso ng pagmimina.

Gayundin, ipinahayag nilang magbabayad ng tamang buwis at iba pang responsibilidad. Kasabay nito, sinabi rin nilang mataas na kalidad na teknolohiya at gawi sa pagmimina ang kanilag ipatutupad.

Bilang tugon, nangako nman ang DENR na pagbbutihin nito ang proseso sa pagsusuri at pagbibigay ng mineral agreements. Gayundin ipatutupad ang transparency sa pagtanggap ng anomang kontribusyon sa mula sa nasabing indutriya at manghihikat ng mamumuhunan sa mineral processing.

-ooOoo-

SANITATION STUDY NG PINAS, TINALAKAY SA ARGENTINA

Inilungsad sa 2017 International Water Association (IWA) Water and Development Congress and Exhibition sa Buenos Aires, Argentina ang isinawang pag-aaral ng Manila Water Foundation (MWF) at International Finance Corporation (IFC) hingil sa Philippine urban sanitation condition.

Nais ng naturang pag-aaral na mapaghusay pa ang lokal na programa sa sanitasyon ng MWF, na isa sa kanilang mga hangarin mula noong sinimulan ito noong 2015. Pakay din nilang isama ang sanitation program sa  community-based water projects.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa sa mga piling urban at semi-urban na lugar sa kalakhang Maynila at iba pang syudad sa bansa, lumalabas na 9% parin sa mga respondente ang walang pribadong palikuran at dumudumi parin sa bukas na lugar, 3% ang gumagamit ng mga lalagyanan bilang
alternatibong solusyon, ngunit pareho parin itong nagdudulot ng masamang epekto sa katawan at kapaligiran.

Sa mga nakalap na datos, ipinapakita rin na ang kawalan ng pribadong palikuran ay mayroong psycho-social na epekto, tulad ng; pagiging sentro ng usapan, pagpila upang makagamit ng palikuran at ilang isyu patungkol sa seguridad.

Subalit, pinaka mahalagang nalaman dito na maraming tao ang nais maisayos ang kanilang sanitary conditions. Nagkakaroon lamang ng hadlang dahil walang sariling lupa, limitadong espasyo at ang
kawalan ng salapi.

Sa huli, nabigyang-diin din dito ang ugnayan ng sosyal, teknikal at pinansyal na kundisyon ng komunidad sa pagtukoy sa nararapat na sanitary solutions. HILDA ONG

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply