‘DI PERPEKTO ANG KASAL, MAHALIN – PAPA KIKO

MAGANDA ang panukala sa Kamara na kikilalanin ng pamahalaan ang pagbuwag ng mga grupong panrelihiyon ng kasal na kanilang isinagawa.

Ayon sa panukala, ang ligal na kasal na isinagawa ng isang pari, ministro, rabbi, imam o presiding elder na pinawalambisa ayon sa batas ng kani-kanilang mga simbahan ay pareho ang epekto sa pagpapawalambisa ng kasal sa bisa ng annulment, dissolution o declaration of nullity ng kaukulang korte ng bansa.

Ibig sabihin nito, kikilalanin ng pamahalaan at kikilos ito nang naaayon sa pagbuwag ng kasal ng mga Katoliko, Protestante, Muslim, Hudyo, Aglipayano at iba pa.

Inaprubahan ito ng 203 kongresman nang walang sinomang tumutol at tinawag ang panukala na “House Bill 6779” o “An Act Recognizing the Civil Effects of Church Annulment Decrees.”

Ang hihintayin lang natin ay kung ano naman ang aksyon ng Senado rito at ang Pangulo ng Pilipinas sa huli.

 

ILANG NILALAMAN

Magkagayunman, ang estado ng mga batang ipinanganak sa ganitong pagbuwag ng kasal ay dapat na naaayon sa tadhana ng Family Code of the Philippines o FCP.

Kabilang sa mga tadhana ng FCP ang pagkakaroon ng karapatan ng isang anak na mabigyan ng apelyido ng kanyang ama.

Mayroon din itong karapatan na magmana ng ari-arian ng kanyang ama bagama’t para sa isang batang nasa labas ng kasal ay kalahati lamang ang mana nito sa mamanahin ng anak na saklaw ng kasal.

Kung ang annulment sa mga relihiyon ay may ibang dahilan kaysa sa itinatadhana ng FCP, ang mga anak na saklaw ng kasal ay maituturing na lehitimo.

 

UKOL SA ARI-ARIAN

Pupwede namang daanin sa pag-uusap at pagkakasundo ang pagpaparte-parte, distribusyon o likidasyon (makaraang mabayaran ang mga utang) ang anomang ari-arian ng naghiwalay na mag-asawa.

Gayundin ang pag-aalaga at suporta sa mga anak at pamimigay ng mga mana.

Halimbawang walang mapagkakasunduan, dapat na sundin ang tadhana ng FCP para sa mga ito.

 

HUWAG PAHIRAPAN

Mismong si Papa Kiko o Pope Francis ng Roma ang nagsasabi na dapat luwagan na ng Simbahang Katolika ang napakahigpit o istriktong patakaran sa pagbuwag ng kasal.

Noong 2015, sinabi ni Papa Kiko na dapat libre na ang proseso ng kahilingan ng mga kasal na Katoliko na maghiwalay.

Hindi na rin kinakailangan na paabutin pa sa Roma ang pagbuwag ng kasal at sapat na ang basbas ng isang Obispo sa isang bansa, maliban lang kung may isa sa mag-asawa ang aapela sa Roma.

Nitong 2016, sinabi ni Papa Kiko na dapat yakapin ng pagmamahal ang mga hindi perpekto ang kasal, kasama na ang mga nagdib orsyo at nag-asawa muli sa mga sibil na kasal.

At kung palalimin pa ang habilin nito, maging ang mga hindi kasal ngunit nanatiling Katoliko ay dapat ding yakapin sa pagmamamahal at luwagan din maging sa pagkakaroon ng komunyon at pagdalo sa misa.

Ang mahalaga ay mananatiling bahagi ng kawan ng simbahan ang lahat ng naging tapat sa Katolisismo sa kabila ng hindi perpektong kasal o pagsasama.

 

ILAPAT SA PINAS

Kung mismong si Papa Kiko ay kumikilala sa bisa ng diborsyo at muling pag-aasawa ng isang Katolikong diborsyado sa bisa ng sibil na kasalan, kasama na ang pagyakap ng pagmamahal sa mga nagsasama nang hindi kasal, ano naman kaya ang pupwedeng gawin ng mga lider ng simbahang Katolika sa mahal kong Pinas?

Unang punto rito, mga Bro, ay “lalabanan ba ng ngipin sa ngipin ang mga panukalang batas para sa diborsyo sa Pilipinas, kasama na ang annulment at declaration of nullity?

Ang annulment ay pagpapawalambisa sa kasal na ligal na isinagawa habang ang declaration of nullity ay kasal na walang bisa simula’t simula sa ilang kadahilanan.

 

IBA PANG USAPIN

Napakarami ang bawal, sa totoo lang, sa hanay ng mga Katoliko.

Kapag hindi parehong Katoliko ang mga magulang ng isang bata, hindi pupwedeng mag-enrol at mag-aral sa Katolikong eskwela.

Hindi rin pupwedeng binyagan ang bata na hindi Katoliko ang mga magulang.

Hindi rin pupwedeng ikasal sa simbahan ang hindi parehong Katoliko.

At bawal ding mangomunyon ang batang hindi kasal sa Katolikang Simbahan ang mga magulang, maging ang mga magulang na hindi kasal nang ligal.

Pero hindi naman lahat ng ito ay nasusunod batay sa karanasan n gating Uzi.

Hindi rin pupwedeng maging ninong sa kasal, binyag at kumpil.

Sa Olongapo at Pampanga, sa kasagsagan ng paghawak ng mga Kano sa Subic Naval Base at Clark Airforce Base, wala ang ganyang mga patakaran.

Basta may dolyar na pambayad sa mga binyag, kasal, pamisa at pang-ernol, oks lahat.

At kung panahon ng Pasko at Holy Week, mas malaki ang sobre na ibinibigay sa mga may pera kahit hindi Katoliko kaysa mahihirap na Katoliko para sa abuloy.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply