Direk Perci Intalan: Naiibang acting ni Judy Ann Santos sa Ang Dalawang Mrs. Reyes!

HUMANGA ang producer-director Perci Intalan sa dramatic actress Judy Ann Santos sa ipinakitang kakaibang acting sa mga dramatic scenes ng Ang Dalawang Mrs. Reyes na idinirek ni Jun Robles Lana, na pinag-uusapan ngayon sa showbiz dahil ibang klaseng comedy movie ito na talagang kikiligin ka sa katatawa. Pero may ilang dramatic scenes na nagpapaantig ng puso dahil kay Judy Ann. Di rin mababalewala ang pagka-versatile acress ni Angelica Panganiban.

Sabi nga’y ibang putaheng gay movie ito na bukod sa maaaliw kang panoorin, marami ring aral na kapupulutan ng bawat nanonood ng pelikula. Mauunawaan mo ang pinagdaanang buhay ng dalawang pangunahing character na lalaki na nilabasan nina Joross Gamboa at JC de Vera.

Ani Direk Perci: “Highlight sa movie ni Judy Ann ang eksena sa hospital bed kung saan naaksidente si JC at pinaaalis siya ni Joross. Gayundin, ipinakita niya ang pagiging natural actress niya sa eksena sa swimming pool na nadaling araw kinunan na walang reklamong mahuhulog siya swimming pool.Tuhug-tuhog kinunan ang eksena na nagagawang tuluy-tuloy ni Judy Ann na wala ka man lang maririnig na reklamo.”

Sa Ang Dalawang Mrs Reyes, tiyak madaragdagan ang hahanga kay Judy Ann sa eksenang ginawa niya sa pelikula na original story ni Jun Robles Lana.

Pahiwatig ni Direk Perci, “Ang script ay nai-present sa Star Cinema. Approved at walang pinabago kahit anuman sa screenplay. Tanging nagkaroon lang ng reshoot sa pelikula’y ang eksena ng apat na bida (Judy Ann, Anglica, Joross at JC) na kumakain sa Ma Mon Luk Quezson Ave.”

Panibagong pelikula ito na pipilahan ng mga moviegoers na hilig manood ng magandang istorya na may comedy na magpapasaya sa lahat.

* * *

Michael V: Ipinakikita ang malikhaing istorya pang comedy sa Pepito Manaloto

HINDI matatawaran ang istorya ng Pepito Manaloto na mapanonood ngayong gabi dahil sa kakaibang approach sa istorya ng creative director ng show na si Michael V., na siya ring bida sa show.

Tungkol sa lumang washing machine na gustong palitan ni Elsa (Manilyn Reynes). Pero, umuubra pa naman ayon sa mga kasambahay. Sa likod ng istorya, may ibang motibo palang umiikot sa pagbili ng bagong modelong washing machine.

Ganyan kumukuha ng mga nakatutuwang eksena si Michael V sa ordinayong buhay-buhay sa paligid-gilid na napagtuunan niya nang pansin. Tapos nagagawan niya ng istorya.

Kahit nga isang guardiya ng school ay nagagawan ni Michael V ng istorya habang siya’y sumusundo sa school ng kanyang mga anak.

Sa creativity ni Michael V. ang dahilan kung bakit ilang beses nang nananalong best comedy show ang Pepito Manaloto sa local at international award giving bodies.

Tuwing Sabado ng gabi napapanood ang programa pagkatapos ng 24 Oras Weekend edition sa GMA 7. ON THE SET! / Noel Asinas

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply