DoH Sanofi, nagbayad na

NAGSAULI na ng partial payment ang French pharmaceutical company na Sanofi Pasteur sa pamahalaan para sa mga di nagamit na dengue vaccine na Dengvaxia.

Ito ang kinumpirma ni Health Secretary Franciso Duque III sa ginanap na Provincial Dengue Summit sa San Isidro Elementary School sa Barangay San Isidro, San Fernando, Pampanga.

Ayon kay Duque, P1,161,000,000 ang paunang halaga na ini-refund ng Sanofi kaya’t kaunti na lamang ang halaga na isasauli nila sa pamahalaan.

“There has already been a refunded amount to the tune of P1,161,000,000. Kaunting kaunti na lang ang kulang,” ani Duque.

Nilinaw naman ni Duque na ang pagsasauli ng pera ng Sanofi ay nangangahulugan na tapos na ang isyu, dahil kung makakakuha aniya ang pamahalaan ng ebidensya na may anomaly ay tiyak na may mananagot dito.

Matatandaang noong Lunes ay pumayag ang Sanofi sa kahilingan ng DOH na i-reimburse ang ibinayad sa mga hindi nagamit na Dengvaxia, na nagkakahalaga ng P1.4 bilyon, at sagutin ang bayad sa mga testing kits para sa 830,000 kabataan na nabigyan ng naturang bakuna.

Plano ng DOH na gamitin ang naturang halaga para maipantulong sa mga batang naturukan ng Dengvaxia na posibleng tamaan ng severe dengue.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Duque na nirekomenda na ng mga eksperto sa UP-PGH (University of the Philippines-Philippine General Hospital) na suspendihin ang Dengvaxia immunization, matapos aniya niyang hilingin sa mga ito na suriin ang mga katawan ng mga batang namatay sa dengue kahit na nabakunahan ng Dengvaxia. MACS BORJA

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply