Emotional at cry baby pero…..!

WALANG duda na isang sensitibong aktor si JC Santos at mukhang ang mga hugot niya sa buhay, ang siyang dahilan kaya laging sakdal husay niyang ginagampanana ang kanyang mga katauhan sa pelikula.

Bet na bet ko ang pagiging mapangahas niya sa pink coming of age drama na Esprit de Corps. Pinaluha niya ako bilang si Fidel sa 100 Tula Para Kay Stella. Marami rin ang nag-swoon sa kanya bilang Ali sa Till I Met You kung saan siya ang oeiginak na ka-love triangle nina James Reid at Nadine Lustre. At take note, yung katauhan ni Reid ang mahal niya at di Lustre. Sayang nga lang at di nila napangatawan ang pink angle to the love triangle na di naman kasalaman ni Santos.

Makaaasa tayo na bilang Raffy Cruz, ang lalaking hinahanap ang sarili at kanyang mga katotohanan sa Mr. and Mrs. Cruz, muli, pahahangain niya tayo.

Ang diva that you love, inabangan ang kanyang paglabas sa programa ni Boy Abunda. Sa mga commercial clips nito, makikita na ito palang si Santos ay sadyang emosyonal at cry baby.

Sa panayam ni Abunda kung saan hindi niya napigil ang kanyang emosyon at pag-iyak, inamin nito na, “I get emotional when I talk about my sister, my parents. We have OFW parents. Growing up, wala sila. Ang bahay namin, palipat-palipat.”

Sa pagbunghalit ni JC sa kanyang domestic situatipn, alam mong may sugat at hinanakit na naiwan sa kanyang puso. Paglalahad pa ni Santos,”Kaya nga yung mga family gathering scenes, wala ako nun. Yung sister ko, kamil lang lagi ang magkasama.”

Yung scar na naiwan sa kanyang puso, ginamit niya ito para mag-ipon, magka-sariling bahay, at wag magkabisyo. Wala siyang addictive personality.

Maugong na maugong na hiwalay na sila ni Teetin Villanueva, ang kanyang kasintahan for four years.

Walang pag-iimbot at buong katapatan niyang inamin na, “Oo, hiwalay na po kami.” Ang kasunod? Opo, may third party, ang career ko.”

Ha? Okay na sana ang lahat, karera talaga ang sinisi kaya naghiwalay ang inyong dekolor at puti? Spell, kiyeme latik, JC!

Ayaw raw ni Santos na maging unfair sa dating iniirog at dahil nga busy as a bumble bee siya, lack of time ang may sala kaya tapos with a tandang pandamdam ang kanilang apat na taong relasyon.

Prangkahan lang, it was such a lame excuse, JC pero dahil nga nasa demokrasya tayo at di naman tayo malapit sa isa’t-isa, sige, hahayaan na kita sa iyong paliwanag. Di ko babasagin ang trip mo.

Ang kanyang madramang mensahe para sa dating sinta, “Sorry if I let you down. Andito pa rin naman ako para maging kaibigan. You deserve to be happy. Pasensya ka na, hindi ko maibigay sa iyo, hindi ko mapantayan ang pagmamahal na yun. You deserve someone better.”

Ang mga tanong, kung career ni JC ang maysala, ang payanig of his ex na, “Time discovers truth.” at “He can’t be trusted. So… NO, there’s no way we’re getting back together,” ano ang puno’t dulo?

Nanalig kaya si Boy Abunda sa paandar ni JC na karera niya nga talaga ang dahilan?

Makatulong kaya sa paparating niyang pelikula ang paghihiwalay na ito?

For JC, this is his version of the truth. Si Teetin Villanueva, may sariling bersiyon rin nito. Kung kaninong katotohanan kayo mananalig my dear Remate readers, nasa inyong pagpapasya na yan.

Naway maging matiwasay at maging mapayapa na ang kalooban nina JC at Villnueva. Hindi madaling burahin ang mga ala-ala lalo na nga’t apat na taon rin ang kanilang pinagsamahan. Let us hope what remains in their hearts are the good memories at hindi bitterness at pain. AS IF/ALWIN IGNACIO

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply