Ex-DOH officials nagtuturuan sa Dengvaxia anomaly

NAGTUTURUAN ang dating kalihim ng Department of Health (DOH) sa panahon ni Pangulong Aquino kung sino ang nag-apruba ng pagbili ng P3.5-bilyong halaga ng Dengvaxia anti-dengue vaccine na pawang mapanganib sa pasyente.

Sa ika-limang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni dating Health Sec. Enrique Onna na kung siya ang kalihim sa panahon nang aprubahan ang pagbili ng dengvaxia, hindi niya ito papayagan.

Ngunit, kaagad sinopla ni dating Kalihim Jannet Garin ang paratang ni Onna dahil inaprubahan nito ang pagbili ng Dengvaxia nang siya (Garin) ay undersecretary pa ng DOH sa panahon ni Onna.

“Kung ako ang kalihim posibleng hindi maaprubahan ang proyektong pagbabakuna ng Dengvaxia sa mga mag-aaral,” ayon kay Onna.

Sa naturang pagdinig, inamin ni Onna na noong umupo ito bilang kalihim ng DOH noong 2010 matindi na ang bilang ng mga pasyente na tinatamaan ng Dengue sa bansa.

Aniya, base sa report umaabot na sa 100,000 katao ang tinatamaan ng Dengue taun-taon.

Subalit sa kabila nito, masusi pa rin nilang pinag-aaralan kung anong uri ng bakuna ang gagamitin para sa kaligtasan ng mga matuturukan lalo na ang kabataan.

Aminado si Onna na hindi nagkaroon ng sapat na pondo para sa bakuna kontra dengue noong panahon ng panunungkulan nito.

Subalit kung may pondo man tiyak na hindi nito papayagan na maaprobahan ang Dengvaxia vaccine na pag-aari ng Sanofi Pastuer dahil sa masusi nilang pinag-aaralan kung ano ang maaring maging epekto nito sa mga kabataang mag-aaral na matuturukan nito.

Nagsilbi si Onna bilang kalihim ng DOH simula 2010 hanggang Disyembre 2014 noong panahon ng Aquino administration na pinalitan ni dating Sec. Jannette Garin.

Samantala, Itinanggi naman ni Garin na walang kinalaman si Onna sa procurement ng Dengvaxia vaccine na pag-aari ng Sanofi Pastuer.

Sa pagdinig, pinasinungalingan ni Garin ang naging pahayag ni Onna na wala itong kinalaman sa pag-apruba ng naturang anti-dengue vaccine.

Ayon kay Garin, nagsisinungaling si Onna dahil noong undersecretary pa lamang ito ay nagsagawa siya ng presentation noong July 2014 at September 2014 kay Secretary Onna hinggil sa Dengvaxia vaccine.

Aniya, nagustuhan at pinuri pa sila noon ni Onna na katunayan aniya ang may hawak itong mga litrato ng magsagawa ito ng presentation. ERNIE REYES

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply