Ex-NBA Balkman, kakampi ni Brownlee sa Alab

INANUNSYO ng team owner ng Tanduay Alab Pilipinas na si Charlie Dy na makikitang muli sa basketball court sina Renaldo Balkman at Justin Brownlee.

Ayon kay Dy, papalakasin pa umano ng dalawang cagers ang line-up ng Alab na kasalukuyang kalahok ng Asean Basketball League (ABL).

Papalitan nilang dalawa sina Ivan Johnson at Reggie Okosa.

Inaasahan namang sasabak sa laro ang 6-foot-8 na si Balkman at ang 6-foot-7 na si Brownlee sa Wednesday game kontra Westports Malaysia Dragons sa Filoil Flying V Centre.

Naging kontrobersyal ang NBA veteran na si Balkman sa pananakal nito sa teammate nito sa Petron (San Miguel ngayon) na si Arwind Santos na nagresulta sa kanyang lifetime ban sa PBA noong 2013.

Si Brownlee naman ay huling naglaro sa Barangay Ginebra at nanatili ng dalawang taon doon. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply