Firecracker-related injuries, bumaba

BUMABA ang bilang ng biktima ng firecracker-related injuries sa pagsalubong ng Bagong Taon 2018.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, nakapagtala lamang ng kabuuang 191 ng mga naputukan habang may isa lamang ang kaso ng stray bullet mula Disyembre 21.

Wala naman aniyang naitalang namatay dahil sa paputok o mga tinamaan ng bala, gayunman may pitong kaso namang naitala na mga naputulan.

Wala rin aniyang naitalang kaso ng fireworks ingestion o yaong mga nakalunok ng mga pulbura o paputok.

Sinabi ng kalihim na malaking tulong ang Executive Order No.28 ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbaba ng bilang ng mga naputukan kung saan sa nasabing panahon mula Disyembre 21 hanggang Enero 1,2018 ay bumaba nang 60 porsyento kumpara sa kaparehong panahon nung mga nakalipas na pagdiriwang at pagsalubong ng Bagong Taon.

Ang isang biktima na naitalang tinamaan ng ligaw na bala ay mula naman sa Caloocan.

Ang Metro Manila naman ang may pinakamaraming bilang ng fireworks-related injuries na may 115 kaso, o 60% ng kabuuang bilang.

Nasundan ito ng Western Visayas na may 15 kaso at Central Luzon, Calabarzon at Bicol na may naitalang tig-13 kaso.

Sa Metro Manila, ang Maynila naman ang may pinakamaraming naitalang kaso na may 63; Quezon City, 14; Pasig City na may 11; at Valenzuela na may 6 na kaso.

Ayon kay Duque, piccolo pa rin ang pangunahing sanhi ng firecracker-related injuries na may 94 kaso na nasundan ng kwitis na may 14 na kaso.

Nasa 11-month old baby naman ang pinakabatang biktima habang nasa edad 96 naman ang pinakamatanda. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply