Gilas sa 2nd round ng 2019 FWC, pinangalanan na

PINANGALANAN na ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes ang mga maglalaro para sa pangalawang qualifying round ng 2019 Fiba World Cup na gaganapin sa China.

Pinangunahan nito ni Jayson Castro, Kiefer Ravena, Kevin Alas, RR Pogoy, Matthew Wright, Allein Maliksi, Gabe Norwood, Calvin Abueva, Carl Bryan Cruz, Mac Belo, Troy Rosario, Raymond Almazan, Japeth Aguilar at June Mar Fajardo.

Isa rin na nakasama ay si Jio Jalalon na hindi nakapaglaro sa laban nila sa Japan at Chinese-Taipei dahil sa injury.

Makakasama rin sa laro ng Gilas si naturalized player Andray Blatche para sa laban nila kontra Australia sa Melbourne sa Pebrero 22 at ang laban nila sa Japan sa Pebrero 25 na gaganapin sa Pilipinas.

Kaugnay nito, itutuloy na ng Gilas Pilipinas ang kanilang pagsasanay sa Lunes, Enero 8 para sa ikalawang round ng 2019 FIBA qualifying round.

Sinabi Reyes, na nakakuha na sila ng go-signal sa PBA para magsagawa ng pagsasanay.

Unang makakalaban ng Gilas ang Australia sa first round ng group stages sa Pebrero 22 na gaganapin sa Margaret Court Arena sa Melbourne. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply