GRAB humiling ng fare hike sa LTFRB

DAHIL sa pagtaas ng buwis sa mga produkto ng petrolyo at bagong sasakyan, naghain petisyon ang Grab sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para magkaroon ng price hike.

Sa kanilang petition paper, nakasaad na mananatili sa P40 ang base fare ng Grab pero nais nilang taasan ang kanilang rate per kilometer sa P11 – P15 mula sa kasalukuyang P10 – P14, at per minute rate sa P2.19 mula sa kasalukuyang P2.

Nauna nang inanunsyo ng Grab na hihilingin nilang magkaroon ng 6 hanggang 10 percent fare increase para punuan ang epekto ng exise taxes sa produktong petrolyo at bagong sasakyan, na nagkabisia noong Enero 1, 2018 matapos na pirmahan ang tax reform law. BOBBY TICZON

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply