Grupo ng kalalakihan nilusob ang Intercontinental Hotel sa Afghanistan

NILUSOB at pinaputukan ng mga armadong kalalakihan ang Intercontinental Hotel sa Kabul, Afghanistan, kahapon.

Ayon sa hotel manager na si Ahmad Haris Nayab, nakapasok ng establisyimento ang apat na kalalakihan at agad na pinaputukan ang loob nito.

Ani Nayab, masuwerteng nakalabas lahat ng mga empleyado at guests ng hotel at wala naman silang naitalang nasugatan dahil sa insidente.

Ayon naman kay Afghan interior ministry spokesperson Najib Danish, hindi pa malinaw sa ngayon ang motibo sa pag-atake. Ngunit aniya, ilan sa mga kalalakihan ay pawang suicide bombers.

Sa ngayon ay wala pang grupo na umaako ng pag-atake.

Taong 2011 nang unang inatake ng Taliban ang Intercontinental Hotel. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply