Grupo ng mga guro, nagprotesta sa DBM

NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang grupo ng mga guro sa tapat ng tanggapan ng Department of Budget and Management (DBM).

May dalang placards, at humiga pa sa kalsada ang mga miyembro ng Manila Public School Teachers Association upang kondenahin ang naging pahayag ni Budget Sec. Benjamin Diokno na hindi umano prayoridad ng DBM ang taas-sweldo ng mga guro.

Ayon pa sa grupo, insensitibo si Diokno sa hinaing ng mga public school teachers na tambak ng trabaho, pero nagtitiis pa rin sa kakarampot na sahod.

Paliwanag pa ng grupo, mas magaling pang mag-budget ang mga teacher kaysa kay Sec. Diokno dahil nagagawa nilang pagkasyahin ang napakaliit na sahod para sa kanilang pamilya.

Hiling ng mga guro na iangat sa P25,000 kada buwan ang sweldo ng mga entry-level na teachers.

Ayon kay Louie Zabala, presidente ng asosasyon, aaraw-arawin nila ang pagkalampag sa DBM hangga’t hindi gumagawa ng aksyon ang pamahalaan. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply