HAMON KAY SEC. EDUARDO AÑO

KLARONG napakataas ang tiwala ni Pangulong Duterte kay Gen. Eduardo Año na ilang araw ang nakararaan ay nahirang na DILG officer-in-charge.

Kundi lang sa gulo sa Marawi, pinagreretiro ng Pangulo noon pang nakaraang taon si Año para sana pamunuan ang DILG.

Dahil kailangang mag­karoon ng magaling na heneral na tatapos sa Marawi siege, nabinbin ang appointment ni Ano sa DILG.

May batas sa pagtatalaga sa mga cabinet secretary nguni’t tila nanghihinayang si DU30 sa bawat oras na dumaraan kaya itinalaga na si Año bilang DILG boss.

Sa tindi ng tiwala ng Pangulo sa kanya, siyempre – ang expectation ay kailangang mag-deliver si Ano sa kanyang bagong assignment.

Isa sa marching order ng Pangulo na dapat tutukan ay mga barangay leader na sangkot sa mga iligal, partikular na sa kalakaran sa droga.

Sa narco list na palaging ibinubuyangyang ng Pangulo, karamihan sa nasasangkot sa operasyon ng droga ay mga kapitan ng barangay.

Ngayon ang hamon natin kay Año, hulihin niya ang mga pasaway na kapitan del barrio na patuloy na sumusuway sa ‘war on drugs’ na ini­utos ni DU30.

BRGY. LEADERS VICE PROTECTORS

Nagsisilbi ring protector ang mga kapitan at mga kagawad, hindi lang sa operasyon ng droga kundi mga iligal na pasugalan, bold shows at iba pa.

Sa buong bansa ay ‘di maitatago ang nagg­kalat na jueteng, video karera, loteng, pergalan (perya at sugalan) na kinukunsinti ng mga kapitan at kapulisan.

Isa sa masasabing ‘notorious’ kapag sugalan ang pag-uusapan ay ang lalawigan ng Batangas na pinamunuan ni Col. Alan Delvo.

Kilalang-kilala ang loteng operation ni Kap. Bening sa Batangas City pero tila ‘di alam o kaya’y nagbubulag-bulagan sina Col. Delvo at City CoP Wildemer Tiu.

Sa bayan ng Padre Garcia ay prente ang lotengan ni Kap. Pol na may loteng-con-jueteng din daw sa San Antonio, Candelaria at Sariaya sa Quezon province.

Isa sa sikat na sikat na iligal na sugal ay ang pergalan (perya at sugalan) na nagkalat din daw sa Batangas at buong Calabarzon area.

Isang caller ay isinumbong sa Chokepoint ang pergalan daw sa compound ng PPA sa Batangas City na sa dami ng uri ng sugal mistula na raw mini-casino.

Isang Teri ang itinuturong operator at financier ng nasabing pergalan.

Paging Col. Delvo at Col. Tiu. CHOKEPOINT/BONG PADUA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply