Heat, pinaso ang Knicks sa OT game

INIANGAT ni Miami Heat guard Josh Richardson at forward James Johnson ang kanilang team para isubsob ang New York Knicks sa isang overtime game sa kanilang mismong homecourt sa iskor na 107-103.

Naipasok ni Richardson ang kanyang dalawang free throw sa nalalabing 25.7 seconds.

Habang nakatulong naman si Johnson ng karagdagang dalawang puntos sa natitirang 7.2 seconds.

Bago ito, mas maaga sanang matatapos ang laro ngunit naihabol ni Doug McDermott ng Knicks ang three points sa nalalabing 1.1 second, kaya naging tabla sila sa 97.

Samantala, ang highest pointer sa laro ay si Heat guard Wayne Ellington na may double figures at game-high niya na 24 points. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply