Kahit Pinagkakaitan Ng Offer, Aubrey Miles Mabenta Na Celebrity Endorser

MAY problema ba sa malalaking TV network itong si Aubrey Miles?

Ni isang regular na teleserye kasi o kahit man lang guesting ay hindi na nasisilayan si Aubrey sa ABS-CBN2 at GMA-7 na walang tigil sa paggawa ng mga serye.

Well, mukhang hindi naman yata affected ang nasabing sexy actress kung pinagkakaitan siya ng project dahil tulad ni Kris Aquino ay nagawa rin nitong ibenta ang kanyang sarili sa social media.

Yes, makikita ang mga ini-endorsong produkto ni Aubrey sa internet na beauty products at resort.

May malaking billboard rin ang dyowa ni Ttroy Montero sa Cubao, Edsa at sabi ay mabentang-mabenta sa mga drug store at supermarket ang produktong pam-pakinis ng mukha. Matatandaang noong kasikatan ni Aubrey ay lagare siya sa paggawa ng pelikula sa Regal Films ni Mother Lily Monte- verde at kinuha pa sa sikat na noontime show noon ng Dos.

Matagal na rin palang negosyante si Aubrey na nagmamay-ari ng sariling pawnshop noon sa may kahabaan ng P. Tuazon, Cubao at ngayo’y nasa eyelashes at nail spa business na.

* * *

Broadway Boys May Sarili Nang Single Na Kinomposed Ni Tito Sen

Made na talaga ang apat na miyembro ng Brodway Boys na sina Joshua Torino, Joshua Lumbao, Benidict Aboyme at ang grand winner ng Lola’s Playlist na si Francis Aglabtim.

Since bigyan ng exposure ng Eat Bulaga ang youngest singing boy group sa programa at segment ng mga ito na “Broadway Boys Concert,” na napanonood tuwing Sabado, mas lalong naging popular ang grupo.

Ang huhusay naman kasi talagang kumanta ng mga oldies hit songs sa murang edad na 10 at 11.

At talagang all-out ang support ng Bulaga sa kanila na isinasama sila sa mga OPM Icons na kanilang nakaka-jamming sa weekend concert sa TV.

Ngayon ay may malaking sorpresa ang Broadway Boys para sa kanilang mga tagahangang bata’t matanda sa handog nilang single na inilunsad nitong Sabado lang sa EB. Ang naturang single na mapakikinggan at mabibili na sa Spotify at I Tunes ay kinumpose ni Sen. Tito Sotto at base sa feedbacks nito ay marami ang nagagandahan sa inspirational song ng Broadway Boys.

Nakasama pala nila sa concert segment nila noong araw na iyon si Jamie Rivera na tinaguriang “Inspirational Diva” at umani naman sila ng papuri sa kanilang ginawang numbers. WALANG KIYEME / Peter S. Ledesma

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply