Kakaiba pa rin ang charisma at dating!

KAHIT na nagkakaedad na raw itong Bad Boy ng Philippine Movies, ang nag-iisang Robin Padilla, ay habulin pa rin ito ng mga chicks.

Ito ang pinag-uusapan ng mga beki na kagrupo ni Apol as in Apolonia.

Sa pagiging mahilig sa chicks, na sabi’y kaliwa’t kanan, dito siya nababash, na ipinagtanggol naman ni Apol.

Iba raw kasi ang karisma nito na kahit sino ang nagigiging partner niya sa pelikula at maging sa mga shows ng telebisyon ay napaiibig niya.

Hindi raw kasalanan ni Robin ‘yan, nasa babae iyan kung bakit pinapatulan ang straight at guwapo pa ring aktor.

Lately raw may nabasa si Apol na article sa isang presscon na sinabi nitong si Robin na handa siyang magpakita ng buong kahubdan ng kanyang katawan sa isang pelikula kung kinakailangan.

Nag-umpisa itong maipakita ang kanyang dalawang pingpong sa pelikula nila ni Sharon Cuneta.

Sa sinabi nitong macho Gigolo na pwede niyang ipakita na ang lahat lahat, tutal naman daw ay damatan na siya, sabay-sabay nagningning ang mga eyes ng mga bakla.

Wow, ha! sige go sabi ng Apol at hindi raw siya magsasawang panoorin kung matupad man ito. Para raw tumama sa lotto ang mga bekikay na makakita ng highest notes ng isang tunay na lalaki na wala sa ibang artista.

Ganun? Sabi ng isang beki, nakita na ba ninyo ang kay Sonny Parsons sa isang lumang larawan na kuha sa isang lumang pelikula na kung hindi kami nagkakamali ay kasama niya ang isa pang sexy actress na si Isadora na produkto rin ng Bb.Pilipinas na ka-batch si Disiree Verdadero, ang Ang Lihim ng Kalapati.

“Meron?” Sabay sabay na chorus ng mga bayot. Hahahaha!

Speaking of Bb. Pilipinas, ang best bet namin for this year Binibini na naka-aatract ng attention itong candidate #29 na si Samantha Kaye Avestruz na isang Waray from Barugo, Leyte.

Samantha stands five feet nine inches tall (5’9),slim figure with a pretty face.

Kasalukuyang nagaaral ng Political Science sa University of Santo Tomas. Hangad namin na magkaroon siya ng pwesto sa anim na naghihintay na Korona.

Sakaling palarin itong Si Samantha Kaye Avestruz, magiging dagdag na rin na beauty queen ng UST in the tradi- tion of Cynthia Ugalde, Clarinda Soriano, Charlene Gonzales, at Janine Tugonon, just to mention a few. Ciao Bambino! MEMORABILIA / Matuk Astorga

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply