Kelot kulong sa panghihipo

KALABOSO ang 29-anyos na lalaki matapos ipaaresto ng babaeng hinipuan ng hita sa pampasaherong jeep sa Tayuman, Sta. Cruz, Maynila.

Hawak ngayon ng Tayuman Police Community Precinct (PCP), ang suspek na si Ben Cawili ng 16 South Harbor Maynila.

Ayon sa reklamo ng biktimang si Geneva Salons, ng 613 Penalosa St. Tondo, Maynila, nakasakay sila sa pampasaherong jeep papuntang Tayuman at nakatabi ang suspek na noon ay nangangamoy alak.

Maya-maya pa ay hinawakan na ng suspek ang hita ng biktima dahilan para mag-hysterical ang biktima na nakatawag pansin sa barangay tanod na si Rolando Yumul na umaresto sa suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

 

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply