Kelot tinarakan ng fish porter sa Malabon

ISANG lalaki ang nasa kritikal na kalagayan matapos pagsasaksakin ng fis porter matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima sa kapatid ng dating amo ng suspek sa loob ng isang kantina sa Malabon City

Ayon kina Malabon police homicide investigators SPO2 Rolando Hernando at PO2 Jose Romeo Germinal II ang suspek ay nakilala sa alyas ng “Cris” ng Navotas City na agad na tumakas matapos nitong saksakin ang biktimang si Reynaldo Bantiling, 34 ng 128 Adante St. Brgy. Tanong, Malabon City.

Patuloy na inoobserbahan ang biktima sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Lumalabas sa imbestigasyon, bago ang insidente si Bantiling at ang kanyang kaibigan ay nag-inuman sa loob ng Iam’s Food House sa Manapat St. Brgy. Tanong pasado alas 4:00 ng hapon nang malaman ng katabing lamesa ng nag-iinuman din na si Mark Villanueva, kapatid ng dati nitong amo na si Maricris Villanueva,

Ang biktima ay nilapitan si Maricris Villanueva at humingi ng paumanhin hingil sa nagawang pag-umit nito noong nakaraang taon sa kapatid nito na may-ari ng coffee shop.

Nagalit si Villanueva sa biktima ng malaman nito sa pang umit na nagresulta sa mainitang pagtatalo.

Sa gitna ng pagtatalo ay nilapitan ng suspek ang biktima at walang sabi sabing inundayan ng saksak sa katawan. ROGER PANIZAL

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply