Kita ng “Gandarrapiddo: The Revenger Squad,” highest-grossing movie

ITINUTURING nang “highest grossing Filipino movie of all time” ang Metro Manila Film Festival 2017 entry na “Gandarrapiddo: The Revenger Squad”.

Ito’y inanunsyo mismo ng film production unit na Star Cinema sa Instagram matapos kumita ang pelikulang ito ni Vice Ganda ng P571-milyon sa takilya.

Bukod pa sa nasabing kita ang kinita nito sa ibang bansa.

Nalampasan na nito ang kinita ng pelikula rin ni Vice Ganda na “Super Parental Guardians” noong 2016 na nasa P550-milyon.

Dahil dito, isang victory at thanksgiving party ang isinagawa ng buong pwersa ng cast at crew ng pelikula.

Walang mapaglagyan ang saya si Vice Ganda at sinabing nasurpresa siya dahil sa hindi mabilang na pagkakataon ay ‘highest-grossing film’ na naman ang kanyang pelikula.

Gayunman, bukod sa kita ay mas masaya aniya siya kasi mas maraming Filipino ang kanyang napasasaya kada taon.

Patuloy pa ring ipinalalabas sa mga sinehan ang ‘The Revengers Squad’ at inaasahang aabot pa sa P600-milyon ang gross domestic box office sales. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply