KONGRESO VS KONGRESO

MUKHANG walang pagkakasunduan ang mga mambabatas natin sa Kongreso ng Senado at Kongreso ng Kamara de Representante sa usapin ng pagbabago ng 1987 Constitution.

Ayaw ng Kongreso ng Senado na magkasama sa isang plenaryo ang Kongreso ng Kamara. Kakainin lang daw sila? Hahahaha.

Ang usapin ay lubusang pagbabago ng nilalaman ng mapang-api at makitid na Saligang Batas na ginawa noong panahon ni Gng. Corazon Cojuanco Aquino na noon ay pangulong bansa sa ilalim muna ng “revolutionary government?” 49 na piniling tao para mabuo ang nasabing bagong Konstitusyon.

Para sa atin, sarado ang isip at puso ng 1987 Constitution. Sa pulitika na ang nagsilbing batayan ay “diktadurya” daw ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, binago ang termino ng lahat na puwesto.

Anim na taon lang, walang ekstensyon para sa pangulo samantalang ang mga senador ay 6 na taon na may reeleksyon? Ginawa din na tig-tatlong taon ang kongresista at mga lokal na lider ng Local Government Units (LGUs) na may tatlong termino naman.

Ang tanging dahilan ay para hindi na raw maulit pa ang diktaduryang nilikha noon ng rehimeng Marcos. Papaano naman kung matino, maayos, magaling, mahusay at totoo ang isang tao na naging pangulo ng bansa?

Ganyan din sa lokal. Kumbaga, kakaupo pa lang sa puwesto ay kailangan na agad nilang magyabang at maghanda para sa susunod na eleksyon. Maikli talaga ang tatlong taon sa isang termino!

Sana ay iyan ang tingnan ng dalawang Kongreso. Ibalik ang apat na taon kada termino at bigyan ng tig-dalawa na reeleksyon.

Ang mamamayan naman ay matalino at alam kung dapat ibalik o alisin sa puwesto ang mga politiko.

At sino naman dayuhan na negosyante na iimbitahan na magbuhos ng capital sa banbsa kung limitado sila sa 40% ng pag-aari lamang?

Bagaman alam natin na kagaguhan din ang bahaging ito ng 1987 Constitution dahil namamaniobra ng mga negosyanteng dayuhan ang batas kasabwat ang mga ganid na negosyanteng Pinoy!

Kaya hindi dapat mag-away ang Kongreso ng Senado at Kamara. Bagkos, magkasundo kayo kung ano ang dapat gawin o iamyenda na lang sa 1987 Constitution.

Huwag kayo gumawa ng inyong makasarili na senaryo at huwag lituhin ang taumbayan. Serbisyo muna ng totoo kaysa sarili ninyo!

Itigil ninyo ang inyong personal na bangayan. Huwag guluhin ang pansitan. Mas dadakilain naming kayo kung gagawin ninyo ang tama para sa bayan at mamamayan hindi para sa inyong sariling pangkabutihan lamang! BALETODO/ED VERZOLA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply