Kotse nang-araro sa Brazil, sanggol patay, higit 10 pa sugatan

PATAY ang isang sanggol at sugatan ang hindi bababa sa 10 katao matapos silang araruhin ng isang kotse sa Copacabana Beach sa Brazil.

Kinumpirma ng mga opisyal mula sa fire department na isang walong-buwang gulang na sanggol ang binawian ng buhay sa insidente.

Bigla na lamang umanong sinagasaan ng kulay itim na Hyundai i30 ang mga turista sa lugar.

Hawak na ng mga awtoridad ang driver ng kotse na si Antonio de Almeida Anakim, 41.

Isinantabi naman na sa ngayon ng mga awtoridad ang anggulong terorismo sa naturang insidente. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply