KUDOS SA MALABON CITY POLICE

SA isang pambihirang pagkakataon, naging bida ang pulisya ng Malabon sa pulong kamakailan ng Metro Manila Regional Peace and Order Council.

Danga’t kasi, naitala ng lungsod ni Mayor Lenlen Oreta ang pinakamababang insidente ng komisyon ng kriminalidad sa buong taon ng 2017.

Sa data na nakalap ng National Capital Region Police Office (NCRPO), tumataginting na 39.49% ang ibinaba ng tinatawag na 8 focus crimes sa Malabon.

Sa nasabing RPOC meeting na dinaluhan ng Metro mayors at kanilang mga representante, ang Malabon ay tinawag na ‘MM safest city’ noong 2017.

Pinaigting na police visibilities, checkpoints at anti-crime operations, ayon kay S/Supt. John Chua ay contributory sa pagbagsak ng crime incidents sa lungsod.

Malaking tulong din ang ayuda na ibinibigay ng pamahalaang lungsod sa Malabon PS para makamit ang nasabing tagumpay, ayon sa butihing colonel.

Bukod kasi sa gamit at pinansyal na tulong, ang city government ay nagsasagawa ng proyekto na tuwirang nakatulong sa anti-crime effort ng kapulisan.

Tulad ng installation ng LED lights at CCTV cameras na nakakalat sa buong lungsod, malaking tulong ito sa anti-crime operation ng pulisya.

Dahil sa liwanag na dulot ng LED lights, ang nangyayari sa kapaligiran ay malinaw na nakukunan ng nakakalat na CCTV cameras.

Ang kaliwa’t kanang LED lights at CCTV cameras ay naging ‘deterrent tools’ sa mga kriminal na isagawa ang kanilang masamang gawain, ayon kay Col. Chua.

Malaki rin ang naging role ng mga Malabonian na ‘di nangiming magsumbong at makipag-coordinate sa Malabon PS para mahuli ang mga criminal.

Bilang ama ng pulisya ng buong kamaynilaan, nagpahayag ng kagalakan si NCRPO director Oscar Albayalde sa accomplishment na ito ng Malabon police.

“I commend Malabon CPS for the substantial decrease in their crime rate. This should serve as an inspiration for them to do better and for other stations to emulate,” pahayag ni Gen. Albayalde.

At kung may pinakamsaya at natuwa sa crime reduction sa Malabon, ito ay si Mayor Lenlen Oreta at mga residente ng Malabon.

Kudos kay Col. John Chua at sa buong Malabon PS. CHOKEPOINT/BONG PADUA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply