Lead singer ng Cranberries, pumanaw na

PUMANAW na ang lead vocalist ng multi-platinum band Cranberries na si Dolores O’Riordan sa edad na 46.

Kinumpirma ito ng kanyang publicist ngunit hindi pa alam sa ngayon ang sanhi ng pagkamatay nito.

Nabatid na nag-cancel si O’Riordan ng tour ng sana’y reunion nila ng Cranberries nitong nakaraang 2017 dahil sa back problem at para magpagamot sa London.

Ayon sa Metropolitan police na nakakita sa katawan ni O’Riordan sa Park Lane hotel na hindi pa palaisipan pa rin ang pagkamatay ng singer. “At this early stage the death is being treated as unexplained.”

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang spokeswoman ng London Hilton sa Park Lane, “It is with deep regret that we can confirm a guest sadly passed away at the hotel on Monday 15 January. We offer our sincere condolences to their family at this difficult time.”

Nakiramay din ang bandmate ni O’Riordan na sina Noel at Mike Hogan at Fergal Lawler sa pamamagitan ng Tweeter post:

“We are devastated on the passing of our friend Dolores. She was an extraordinary talent and we feel very privileged to have been part of her life from 1989 when we started the Cranberries. The world has lost a true artist today.”

Ilan sa mga sumikat na kanta ng bandang Cranberries ang “Zombie” at “Linger”. GILBERT MENDIOLA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply